Family and Marriage

Family and Marriage

I bumped into a great video “5 keys relating to Family & Marriage” thru Anibal Cuevas’ blog:

http://anibalcuevas.wordpress.com/

The video [SPANISH] is here:

The video says that the “5 keys to great family life & to a great marriage” are:

Ideas claves de la Familia y el Matrimonio

ALLOW me to translate:

(1) A detail of LOVE (wife to husband & husband to wife) everyday;

(2) “Intense falling in love” (“obsession with one’s spouse”), firm belief in indissolubility (making it work);

(3) Achieving EQUALITY via DIFFERENCE;

(4) LOVE LIFE! Children are a blessing! 🙂 Welcome the children that God will send;

(5) Dare to be HAPPY! 🙂

HOW ABOUT YOU? HAVE YOU SHOWN EVEN JUST ONE (1) OF THE ABOVE? 😉

–o–o–o–o–

What is “Orientación Familiar” [“Family Enrichment”]?

IFFD_openingslide

Go to iffd.org “International Federation for Family Development”

🙂

–o–o–o–o–

Populasyon: Pangunahing Yaman

Populasyon: Pangunahing Yaman

F4L_August_bloggingevent

Kapag pinag-usapan po natin ang HUMAN RESOURCES o Human Capital, o ang yaman na naidudulot ng edukadong tauhan sa isang organisasyon at sa lipunan, ang tinutukoy natin ay ang skills training at pagkakaroon ng KAALAMAN ng mga tao upang sila’y maging produktibo. Patungkol dyan, marami nang pag-aaral at saliksik na nagsasabing may matinding kaugnayan sa pag-itan ng mahusay at edukadong tauhan at ng paglago at kita ng isang kumpanya/organisasyon. Ito ay sa “micro level” lamang.

Itong kaugnayan na ito ay pwede ding dalhin sa “macro level”, ibig sabihin, sa nibel ng buong ekonomiya: Maraming pag-aaral ang nagsasabing may kaugnayan sa pag-itan ng populasyong edukado at nakapag-tatrabaho [“Human Capital”] at ng matinding paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

Ang konsepto ng “Human Capital” ay naging mahalagang bahagi ng modernong teoriya ng pag-unlad o paglago noong mga late 1980s. Sina Romer (1990) at Lucas (1988) ang nagsabing ang kalidad ng human capital ay may matinding kinalaman sa sustainable at pangmatagalang economic growth [pag-unlad pang-ekonomiko ng isang bansa]. Ang kanilang saliksik ay nagbunga sa mga susunod pang mga pag-aaral ng pangunahing pinanggagalingan ng kaunlaran o paglago: (a) impra-estrukturang pampubliko (Barro, 1990), (b) Karunungan (Aghion at Howitt, 1998), at (k) Inobasyon (Grossman at Helpman, 1991). Sa siyensya at estadistika, kung saan sinusukat natin ang tinatawag na variables na pinag-uugnay, ang ilan sa mga sukat ng human capital sa mga pag-aaral na nagbunga ay: numero ng nilathala [publications], porsyento ng mamamayan ang nag-aaral sa mga paaralan [enrolment rates], resulta ng mga eksamen at pagsusulit, atbp. At ang kanilang mga resulta ay iisa lamang ang sinasabi: na ang populasyon na edukado ay pangunahing determinant o factor sa pag-unlad o paglago ng ekonomiya ng isang bansa (Barro, 1991; Barro & Sala-i-Martin, 1995; Brunetti et.al, 1998; Mankiw et.al, 1992).

Nang pumasok ang early 1990s, nabigyang diin ang kahalagahan ng “Human Capital” sa pamamagitan ng pagpasok ng tinawag na “Human Development Index” na nagsusukat ng PAG-UNLAD NG TAO base sa mga sumusunod na factor: (a) ang pagkakaroon ng edukasyon, (b) ang pagkakaroon ng tunay na kalusugan at mahabang buhay, at (k) desenteng pamumuhay. Dalawa sa mga mahahalagang nagsulong ng sukat na ito ay sina Mahbub ul Haq (ekonomista) at sinundan ni Amartya Sen (isa ding ekonomista). Ang paggamit ng indise na ito ay hindi lamang pang-target ng economic growth kundi naging isang layunin para sa pag-unlad ng isang bansa: ang sinasabi ay – mas mahalagang sukatin at matamo ang pangkalahatang pag-unlad ng buong pagkatao ng bawa’t mamamayan. Nakabase sya sa ideya na “ang kaunlaran ay hindi lamang patungkol sa national income o kita ng buong bansa, kundi nakatuon sa pagpapaganda ng kapasidad at well-being ng tao.

Si Mahbub ul Haq ay isang tanyag na ekonomista at propesor ng Microeconomics sa University of Karachi sa Pakistan, at ang kanyang specialization ay “game theory”. Siya ang nagpakilala at naghatid sa atin ng tinatawag na “Human Development Theory” at tagapagtatag ng Human Development Report. Si Amartya Sen naman ay ekonomistang nanggaling sa India at nagtamo ng gantimpalang Nobel Memorial Prize in Economic Sciences nung 1998 dahil sa kanyang ambag sa “welfare economics” at “social choice theory”. Matinding interes ni Propesor Amartya Sen ang mga problema ng mga ubod na mahihirap na bansa, partikular ang problema ng matinding pagka-gutom o “famine”. Malaki ang tulong nya sa pagbuo ng nakilala nating HDI.

Ang Indise ng Buong Pag-unlad ng Tao ay sinasaklaw ang pangkalahatang social at economic welfare ng mga tao ng bawa’t bansa sa buong daigdig. Mahalagang maintindihan natin na nasusukat ng HDI ang ambyente o environment ng kalayaan sa pagpili, at ang pag-protekta ng kanilang karapatan at dangal [dignidad]. Kung kaya’t mahalagang bahagi nito ang: good governance, peace and order, at ang paggalang sa karapatang sibil at politika ng mga tao. Sa Pilipinas, base sa pagsukat noong taong 2010, ang Pilipinas ay may sukat na 0.638, hindi umabot sa regional average na 0.65 at ang ranggo natin ay ika-97 lamang sa mundo. Malayo pa ang kailangan nating marating. At hindi lamang yan: may mga kritika o puna sa HDI, tulad ng kritisismo ni Dr. Ratan Lal Basu na nagsasabing hindi pa kumpleto ang HDI: Dapat daw ay sukatin din ang spiritual at moral development ng mga tao sa isang bansa, hindi lamang ang kanilang development sa materyal na mga bagay.

May matinding kaugnayan sa pag-itan ng populasyong edukado at nakapag-tatrabaho [“Human Capital”] at ng matinding paglago ng ekonomiya ng isang bansa. May kinalaman ito sa mga statements kamakailanlang ng mga economic leaders sa bansa tulad ng mga sinasabi ni Bangko Sentral Governor Amando Tetangco patungkol sa tinatawag na Demographic Dividend o Demographic Sweet Spot: Sa ating bansa, may pangyayaring tinatawag na ‘Demographic Dividend o Demographic Sweet Spot‘. Ani Central Bank Governor Amando Tetangco “ang lumalaking bahagi ng ating populasyon na bata pa at nakapagta-trabaho na may purchasing power ang nakatutulong sa pagdulot sa ating ekonomiya ng may kalakihang kita [“National Income”] na siyang nakaa-ambag sa PAG-UNLAD EKONOMIKO (sapagka’t dalawa sa mga sangkap ng pagtaas ng National Income ay ang CONSUMPTION at INVESTMENTS). [http://manilastandardtoday.com/2012/03/28/tetangco-says-population-will-bolster-growth/] Pinaliwanag nya na ang ating bansa ay “malapit-lapit na’ng pumasok sa ‘sweet spot’ kung saan ang ating mga negosyo ay magtatamasa nitong ‘demographic dividends’ sanhi ng lumalaking bahagi ng labor force na bata pa at malakas kumonsumo.” [http://business.inquirer.net/51565/philippine-economy-entering-%E2%80%98sweet-spot%E2%80%99] At ayon sa Ekonomistang si Dr. Bernardo Villegas, salamat kay Governor Tetangco, ang ordinaryong tao sa atin ay mas nakauunawa na ngayon ng konseptong”demographic sweet spot” na noon ay limitado lamang sa mga espesyalista sa demographics at economic development. Ito’ng sweet spot na ito ay nagbibigay optimismo sa atin ng mas malaking pag-unlad pang-ekonomiko at paglago ng kita ng bansa, sapagka’t may bentahe (ventaja) ang batang populasyon na nakapagta-trabaho (kumparado sa bahagi ng populasyon na tumatanda na at retirado na at sa mga batang dependyente pa) sa kadahilanang malaki ang manpower supply at dahil sa lumolobong merkadong lokal para sa mga produkto at serbisyo. Kaya’t tinatawag na demographic dividend…

Sa mga bansang nakakaranas ng Demographic Winter kung saan hindi balanse dahil mas marami ang dependyente at retirado kaysa sa mga sumusuporta sa kanila, kabaligtaran ang nangyayari. Ang mga halimbawa ay: Singapore, Japan, South Korea, Russia…

PopulationPyramid_2015_comparative

Mantakin nyo ba naman: ang South Korea ay popondohan ng bilyun-bilyong salapi ang pagpapataas ng BIRTH RATE! Ang Russia, nagmamakaawa na sa mga bansa ng mundo: wala na kaming manggagawa, wala na’ng magpapalakad ng bansa, wala ng kabataan: paano kami magpaparami? Punta na kayo dito! Sa ganitong kalagayan, ano ang ating kongklusyon? Augmenting human capital by expanding education, improving health conditions, and creating an economic environment have greater returns that can be generated by the world’s human resources (Villegas, 2011).

Madali ding maintindihan kung bakit ang malaking populasyon —lalo na kung ang karamihan nito ay nakababatà at edukado at produktibo— ay nakadudulot ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa pag tinignan natin ang mga sumusunod na kadahilanan: Una, mas maraming tao, mas maraming utak, at mas posible ang mas maraming maiisip na imbensyon, tuklas, at ideya. Ikalawa, mas maraming tao, mas malaking buwis ang maibabayad sa gobyerno (nguni’t kailangang gastahin ang buwis na ito sa tamang pamamaraan). Dapat ilaan ang pondo sa Edukasyon at Skills Training at pagsuporta ng pamahalaan sa mga local business initiatives kaakibat ng pagsugpo ng korupsyon at pagkakaroon ng trabaho o hanapbuhay ng ating mga mamamayan, kasama ang pagtatatag ng tunay na mabuting programang pang-ekonomiya.

Ang kahalagahan ng pagsasanay at edukasyon ng lumolobong young labor force na ito ay nasiyasat na rin kamakailan-lang ng World Development Report ng World Bank:

http://web.worldbank.org/WBSITE/EXTERNAL/NEWS/0,,contentMDK:21049364~pagePK:64257043~piPK:437376~theSitePK:4607,00.html

na nagsabing “ang mga bansang umuunlad [developing countries] na nagpupunla sa mas mahusay na edukasyon, pangangalaga sa kanilang kalusugan, at pagsasanay [job training] lalo na sa batang populasyon mula 12 anyos hanggang 24 anyos, ay maaaring makapagdulot ng surging economic growth [rumaragasang pag-unlad ekonomiko] at matinding pagbawas sa kahirapan [sharply reduced poverty].

Sa 1.3 bilyones na batang populasyon na naninirahan sa umuunlad na bansa [pinakamalaking youth group sa kasaysayan], ang sabi ng Report ay ngayon na ang panahon upang magpunla sa kabataan sapagka’t ang mga kabataang ito’y mas malusog at mas edukado kaysa sa nakaraang henerasyon, at sasali sila sa workforce pagdating ng araw ng walang gaanong dependents dahil sa nagbagong demographics. Nguni’t kung hindi natin sasamantalahin ang pagkakataong ito para bigyan sila ng makabuluhang pagsasanay at para maging mamamayang produktibo, ay maaaring magdulot ng tensyon sa lipunan at laganap na pagka-dismaya.

“Ang lumolobong batang populasyon na ito ay puno ng pag-asa at oportunidad, nguni’t puno rin ng pakikipag-sapalaran”, ani François Bourguignon, ang Chief Economist ng World Bank nang nailabas ang Report, at Senior Vice President for Development Economics. “Malaki ang mga oportunidad, sapagka’t marami sa developing countries na ito ay lumolobo ang populasyon ng kabataan na skilled at edukado. Nguni’t kailangang preparadong-preparado ang mga kabataang ito upang makapag-likha at makahanap ng mga mahuhusay na trabaho.”

Nabanggit sa aklat ng ekonomista nating si Dr. Bernardo Villegas na pinamagatang “Positive Dimensions of Population Growth” na sa agricultural economies ay mas matindi kadalasan ang pangangailangan ng mga pamilyang magsasaka na magkaroon ng maraming anak:

Positive-Dimensions-of-Population-Growth

Sa mga agriculture-based economies tulad ng Pilipinas, ang sabi po nya: “Setenta porsyento [70%] ng mga pinaka-dukha ay naninirahan sa rural areas na nagsusumikap na magkaroon ng konting kita mula sa lupa. At dahil hindi sila nabigyan o hindi nila natamo ang: impra-estrukturang kinakailangan nila, tulad ng farm-to-market roads, irrigation systems, post-harvest facilities at iba pang support services na dapat ibinibigay sa kanila ng Estado, ang tangi lamang nilang yaman ay ang kanilang mga anak, kaya’t kadalasa’y mga walo o siyam ang karaniwang bilang ng mga anak ng rural poor. Dahil din dito, sinabi rin na isang kasinungalingang sabihin na may “unmet family planning needs” daw ang mga maralitang ito.”

Ang sabi sa aklat ay: Ang mga pangunahing solusyon para sa mga ekonomiya na tulad ng sa atin ay mga sumusunod: (1) impra-estruktura sa mga rural areas; (2) edukasyon na de-kalidad para sa mga kabataan, lalo na para sa mga anak ng mga mahihirap, at pati na rin ng mga kababaihan; (3) pangunahing serbisyo sa kalusugan; (4) mga programang pagpapautang sa mga maliliit na negosyo o ang tinatawag na MICROCREDIT at MICROFINANCE (pagpapautang para sa mga gustong makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng maliit na puhunan para sa isang maliit na negosyo; (5) technical skills training para sa mga mag-aaral na nasa baitang na High School; (6) social housing o ang pagkakaroon ng bahay na mas matipid sapagka’t mura ang materyales at tayo mismo ang gagawa (Villegas, 2011).

–o–o–o–o–

*Note that this was the subject matter of a TV show that I did for Global News Network (GNN) which was re-shown by T.V.Maria, here: https://sites.google.com/site/populasyonpangunahingyaman/

The link to the FULL VIDEO can be found here: http://cbcpforlife.com/?p=10175

–o–o–o–o–